aesthete

Monday, December 14, 2009

ONE BLOG A DAY POLICY



hindi ako nabibingi...
pag-uwi ko naglinis ako ng kaliwa kong tenga na may diperensya
hindi ako bingi, sadya lang talaga na CHILDHOOD story ang kasama at kung bakit ba IMPAIRED ang kaliwa kong tenga...if I'm not mistaken 70% butas ang eardrum ko.

hindi ako bingi.

nong marinig ko ang mga katagang "ONE BLOG A DAY POLICY"
umikot ang mga mata kong walang salamin...hayun at naputol kasi ang kaliwang handle..
yumuko ako kasabay ng aking bangs...
amoy na amoy ko pa ang shampoo na nilagay ko kaninang umaga.
napainom ako ng kakaunting patak ng tubig sa aking botelya.

hindi ako bingi.

bago matapos ang makinang at makasaysayang taong 2009, kinakailangan na kami ay magsulat..gamit ang kamay na nakalapat sa keypad.
kaharap ang monitor...at hahayaang lumabas ang pagka makata ng bawat isa.

lumapit ako sa isang kaibigan, ramdam ko ang pagkunot ng kanyang mga noo.
sabay sabi "walang internet sa probinsya", hinawi ko ang kanyang nararamdaman ng isang all-time favorite na pampalubag loob na linya..''Okay lang yan!" sabay smile.

hindi ako bingi.

kasabay ang isang kaklase sa paglalakad pauwi.

"isang milya pa ata ang lalakarin ko para ma ka pag-internet, malayo kasi sa bayan."
sinabi niyang na may kompyuter sila...
bilang isang mapagmalasakit na kaklase...nag-offer ako, ala business lady..
"bili ka na lang ng BROADBAND..
sumagot siya..."magkano yon P990?!?"
binawian ko ng katwiran na ..."kesa naman maglakad ka ng malayo, sige ka..at least don tipid...maaraming insentives kapag nag-avail ka...tapos pwede pang RELOADABLE.

hindi ako bingi.


marahil nagkataon na usap usapan na ang mga nagbabalak magsiuwi ng probinsya at hayun, nagulat sila sa isang takda na dapat gawin.
tulad nila nagulat din ako...

pero kapalit naman noon ay isang magandang pagkakataon
para maging artista sa isang BLOG.
at least dito, maraming makakabasa, kahit OFFLINE na ang multiply site at BUSY naman ang sikat na sikat na facebook.Heto na ang BLOGSPOT!

No comments:

Post a Comment

LEAVE THEM NICE :>